Yang Jiechi at Antony Blinken, nag-usap: ibat-ibang isyu, tinalakay

2021-06-12 13:37:30  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono nitong Biyernes, Hunyo 11, 2021 kay Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, ipinahayag ni Yang Jiechi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng partido Komunista ng Tsina (CPC) at Direktor ng Komisyon ng Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng CPC, na ang diyalogo at kooperasyon ay dapat maging pangunahing tunguhin ng relasyong Sino-Amerikano.

Ayonsa diwa ng napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa noong bisperas ng Bagong Taon, hinimok ni Yang ang panig Amerikano na magsikap kasama ng panig Tsino para mapanumbalik ang relasyong Sino-Amerikano sa tumpak na landas ng pag-unlad.

Sinabi ni Yang na ang isyu ng Taiwan ay may kaugnayan sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, pati na sa nukleong kapakanan ng panig Tsino.

Aniya, iisa lang ang Tsina sa daigdig, at ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina.

Diin pa niya, buong tatag na ipagtatanggol ng Tsina ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa.

Hinimok niya ang panig Amerikano na tupdin ang prinsipyong “Isang Tsina,” at maingat na hawakan ang mga isyung may kinalaman sa Taiwan para mapangalagaan ang pangkalahatang kalagayan ng relasyong Sino-Amerikano at kapayapaan at katatagan ng Taiwan Straits sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.

Tinukoy pa ni Yang na aktibong nilalahukan at kinakatigan ng panig Tsino ang pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa pandemiya ng COVID-19.

Tinututulan din aniya nito ang anumang masamang kilos na gaya ng pagdungis sa Tsina at pagbabaling ng sisi at responsibilidad sa iba sa pamamagitan ng pandemiya.

Ipinahayag naman ni Blinken ang pag-asa ng panig Amerikano na mapapalakas ang pakikipagpalitan at pakikipag-ugnayan sa panig Tsino sa iba’t-ibang lebel.

Aniya, iginigiit ng panig Amerikano ang patakarang “Isang Tsina,” at tinutupad ang tatlong magkakasanib na komunike ng Tsina at Amerika.

Nagpalitan din ng kuru-kuro ang kapwa panig tungkol sa mga isyung kapwa nila pinahahalagahan.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method