Hakbang na makakabuti sa kapayapaan at kaligtasan ng kalawakan, inaasahan ng Tsina sa Amerika

2021-08-26 15:15:36  CMG
Share with:

Ipinahayag Agosto 24, 2021, ni James Dickinson, Puno ng Space Command ng Amerika, na mayroon nang inisyal na kakayahang pang-operasyon ang kanyang kagawaran, at mapapataas ito sa lebel ng komprehensibong kakayahan sa pakikipaglaban sa darating na ilang taon.

Hakbang na makakabuti sa kapayapaan at kaligtasan ng kalawakan, inaasahan ng Tsina sa Amerika_fororder_wangwenbin

Kaugnay nito, ipinahayag Agosto 25, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na, inaasahan ng kanyang bansang isasabalikat ng Amerika ang responsibilidad bilang malaking bansa, at isasagawa ang mga aksyon na makakabuti sa kapayapaan at kaligtasan ng kalawakan.

 

Nanawagan din si Wang sa komunidad ng daigdig na pahalagahan ang panganib ng arms race sa kalawakan, at aktibong suportahan ang talastasan kaugnay ng mga dokumentong pambatas hinggil sa pagkontrol ng sandata sa kalawakan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method