Amerika, pinakamalaking banta sa demokrasya at karapatang pantao—tagapagsalitang Tsino

2021-08-20 15:43:28  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, inilabas nitong Miyerkules, Agosto 18, 2021 nina Nikki Haley, dating pirmihang kinatawan ng Amerika sa United Nations (UN), at Republican Rep. Mike Waltz ang may magkasanib na lagdang artikulong nag-aakusa sa Tsina nang pang-aapi sa 1.4 bilyong mamamayan, at nagsagawa ng genocide laban sa milyon-milyong Muslim ng lahing Uygur.
 

Nanawagan din ang nasabing artikulo sa pamahalaan at mga kompanyang Amerikano na boykotin ang Beijing Winter Olympic Games.
 

Kaugnay nito, sinabi kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na maligaya ang pamumuhay at trabaho ng mga mamamayan ng iba’t ibang nasyonalidad sa Xinjiang na kinabibilangan ng mahigit 11 milyong kababayang Uygur.
 

Tinukoy niyang, nanggugulo ang Amerika sa maraming bansa ng daigdig, walang pakundangang nakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, at higit sa lahat, naglunsad ng mga digmaan sa katwiran ng demokrasya at karapatang pantao, bagay na humantong sa pagkasawi ng libu-libong inosenteng sibilyan. Ang Afghanistan ay pinakamagandang halimbawa rito.
 

Umaasa aniya si Hua na huwag dungisan ng iilang pulitikong Amerikano ang banal diwa ng Olimpiyada, at huwag sirain ang kapakanan ng mga atleta ng iba’t ibang bansa na kinabibilangan ng mga atletang Amerikano at pandaigdigang usapin ng Olimpiyada, batay sa personal na kapakanang pulitikal lamang.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method