Naisaoperasyon! Tren ng China-Europe Railway Express mula Chongqing, Tsina patungong Kyiv, Ukraine

2021-08-30 16:35:27  CMG
Share with:

Naisaoperasyon Agosto 29, 2021, ang unang tren ng China-Europe Railway Express mula lunsod Chongqing ng Tsina patungong Kyiv, kabisera ng Ukraine.

 

Ang naturang tren ay inaasahang darating sa Kyiv sa gitnang dako ng Setyembre, 2021.

 

Ito ay ang unang direktang tren ng China-Europe Railway Express mula Chongqing sa Kyiv.

 

Dahil dito, lalo pang madaragdagan ang tsanel ng kalakalan sa pagitan ng Chongqign at mga rehiyon sa Europa, na siya namang magdudulot ng paglakas ng kompetisyon ng pandaigdigang kalakalan at magsusulong ng sustenableng pag-unlad ng Chongqing at mga rehiyong nakapaligid dito.

 

Sapul nang maisaoperasyon ang China-Europe Railway Express noong 2011, hanggang sa kasalukuyan, mayroon na itong mahigit 8,000 tren.

Naisaoperasyon! Tren ng China-Europe Railway Express mula Chongqing, Tsina  patungong Kyiv, Ukraine_fororder_chinaralwayexpress

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method