China-Europe Railway Express, nagdudulot ng kapakinabangan sa kahabaan ng daambakal

2021-06-23 14:29:10  CMG
Share with:

 

Ngayong taon ay ika-10 anibersaryo ng pagbubukas ng China-Europe Railway Express. Kaugnay nito, sinabi ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nitong sampung taong nakalipas, lumampas na sa 40,000 ang kabuuang biyahe ng naturang railway express at nagkakahalaga sa mahigit 200 bilyong dolyares ang mga kargamento. Hanggang sa kasalukuyan, binubuo ito ng 73 ruta patungo sa mahigit 160 siyudad ng 22 bansa.

 

Nitong nakaraang dekada, ang China-Europe Railway Express ay nakalikha ng oportunidad na pangnegosyo para sa libu-libuong kompanyang Tsino at dayuhan at nagdudulot ng benepisyo sa milyun-milyong mamamayan ng mga bansa sa kahabaan ng riles, dagdag pa ni Zhao.

 

Ang China-Europe Railway Express ay bahagi ng Belt and Road Initiative (BRI) ng Tsina. Noong Marso, 2011, ang unang China-Europe freight train ay lumisan ng Chongqing, Tsina papuntang Duisburg, Alemanya.

 

Salin: Jade 

Please select the login method