Tsina, muling mananawagan sa pagpapanumbalik ng talastasan ng pagsusuri sa sandatang biyolohikal

2021-08-31 10:36:18  CMG
Share with:

Idinaos nitong Agosto 30, 2021 ang pulong ng Biological Weapons Convention (BWC).

Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang posisyon ng panig Tsino na itatag ang multilateral verification mechanisms sa ilalim ng BWC framework para isagawa ang pagsuperbisa at pagsusuri sa iba’t-ibang bansa. Ito aniya ay pinakamabisang paraan sa paggarantiya sa pagpapatupad ng kasunduan at pagtatatag ng tiwala.

Pagsalaysay ni Wang, sa nasabing pulong, muling mananawagan ang panig Tsino sa pagpapanumbalik ng talastasan ng pagsusuri sa sandatang biolohikal. Nananalig aniya siyang ihaharap din ng nakararaming bansa ang magkaparehong proposisyon. 


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method