Isang malawakang kilos-protesta ang idinaraos ng mga samahan ng residente ng Busan, Timog Korea upang hilingin ang pagsasara ng biolohikal na laboratoryo ng tropang Amerikano sa Busan Port, at i-urong ang mga sandatang biolohikal mula sa kanilang bansa.
Bukod dito, walang tigil ding isinisiwalat ng lokal na media ang pagpapadala ng tropang Amerikano ng mga biological warfare agent sa Timog Korea.
Binabatikos nila ang pagkukubli ng tropang Amerikano sa tunay na situwasyon at buong higpit na pinagdududahan ang kaligtasan ng mga kaukulang kilos nito.
Hinggil dito, ipinahayag Mayo 18, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinihimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na komprehensibong ipaliwanag ang nasabing situwasyon.
Tungkol naman sa pagsasagawa ng ng biolohikal na militarisasyon ng Amerika sa pamamagitan ng mga laborotaryo sa ibang bansa, ani Zhao, paulit-ulit nang ipinahayag ng komunidad ng daigdig, partikular ng mga mamamayan at media ng mga kaukulang bansa, ang buong higpit na kawalang-kasiyahan at pagtutol.
Maraming beses ding ipinaabot ng panig Tsino ang grabeng pagkabahala hinggil dito, dagdag ni Zhao.
Muli aniyang hinihimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na komprehensibong ipaliwanag ang kilos nito, isagawa ang aktuwal at mapagkakatiwalaang kilos, at komprehensibong ipatupad ang mga obligasyon ng “Convention on the Prohibition of the Development, Production and Stockpiling of Bacteriological (Biological) and Toxin Weapons and on Their Destruction.”
Salin: Lito
Pulido: Rhio