Ipinahayag Agosto 30, 2021, sa Beijing, ni Elijan Anayat, Tagapagsalita ng Pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang Uygur ng Tsina, na magkalapit ang Xinjiang at Afghanistan. Nagtipon sa Afghanistan ang East Turkistan Islamic Movement at iba pang terrorist groups, na nagdulot ng banta sa kaligtasan at katatagan ng Xinjiang.
Aniya pa, isinagawa ng pamahalaan ng Xinjiang ang serye ng hakbangin bilang tugon sa terorismo at ekstrimismo. At aktuwal na isinakatuparan ang katatagan at kaligtasan ng lipunan ng Xinjiang.
Umaasa aniya ang Tsina na ilalagay ng Taliban ang malinaw na distinksyon sa pagitan nito at lahat ng organisasyong teroristiko, at pipigilan ang mga pwersang nagsasagawa ng terorismo.
Samantala, ipinahayag din ni Xu Guixiang, isa ring Tagapagsalita ng Xinjiang, na mabunga ang mga hakbanging may kinalaman sa pag-unlad ng kabuhayan, katatagan ng lipunan, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, pagkakaisa ng iba’t ibang nasyonalidad, pagkakaisa ng mga relihiyon at iba pang larangan.
Sinabi pa niya na ang katotohanan ay lubos na nagpapakitang ang naturang mga hakbangin ay angkop sa aktuwal na kalagayan ng Xinjiang.
Salin:Sarah
Pulido:Mac