Tsina isinapubliko ang White paper tungkol sa Xinjiang

2021-07-14 14:43:54  CMG
Share with:

Isinapubliko Miyerkules, Hulyo 14, 2021 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na pinamagatang “Respecting and Protecting the Rights of All Ethnic Groups in Xinjiang.”

Ayon sa white paper, nitong mahigit 70 taong nakalipas, walang patid na iginigiit ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at pamahalaang Tsino ang ideya ng karapatang pantao na “naka-sentro sa mga mamamayan,” at walang humpay na pinabubuti at pinauunlad ang estratehiya ng pangangasiwa sa Xinjiang. Bunga nito, walang humpay na umuunld at sumusulong ang usapin ng karapatang pantao sa Xinjiang.

Sa aspekto ng kabuhayan, ipinakikita ng white paper na mabilis ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Xinjiang, walang patid na bumubuti ang pamumuhay ng mga mamamayan, at nagkakaroon ang iba’t-ibang nasyonalidad ng Xinjiang ng pantay na oportunidad sa pag-unlad.

Sa aspekto ng kultura, lubos na pinahahalagahan ng Xinjiang ang pagdiskubre, pagpapatuloy, at pangangalaga sa mahusay na tradisyonal na kultura ng iba’t-ibang nasyonalidad, at totohanang iginagarantiya ang karapatan ng mga mamamayang lokal sa edukasyon.

Tinukoy ng white paper na nabuo sa Xinjiang ang panlipunang sistemang panggarantiya na saklaw ang buong mamamayan nito. Bukod dito, lubos ding pinahahalagahan ng Xinjiang ang mga gawain tungkol sa kababaihan at kabataan, at puspusang nilulutas ang mga namumukod na problema sa proseso ng pag-unlad ng mga kababaihan at kabataan.

Diin pa nito, komprehensibong isinasakatuparan ng Xinjiang ang patakaran ng kalayaan ng relihiyon. Pinuproteksyunan ang mga normal na  aktibidad ng pananampalataya.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method