Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 19 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Martes, Agosto 31, 2021.
Lahat ng mga ito ay galing sa labas ng bansa.
Bukod dito, 2 ang bagong karagdagang pinaghihinalaang kaso, na galing din sa labas ng bansa.
Hanggang magha-hating gabi ng Setyembre 1, ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland ay 1,022.
Samantala, 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Salin: Vera
Pulido: Rhio