Saan nanggaling ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)?
Habang abalang-abalang sinasaliksik ng mga siyentista mula sa iba’t-ibang bansa ang tungkol sa pinagmulan ng COVID-19, inatasan ni Pangulong Joe Biden ng Estados Unidos ang mga ahensiya ng intelihensya upang imbestigahan at hanapin ang sagot sa nasabing katanungan.
Di-nakakagulat na wala silang maibigay na depenitibong konklusyon.
Ayon sa Washington Post, tinanggap kamakailan ni Biden ang di-konklusibo o “inclusive” na ulat mula sa naturang mga ahensiya kaugnay ng 90-araw na imbestigasyong kanyang ipinag-utos upang hanapin ang pinagmulan ng COVID-19.
screenshot ng artikulo ng Washington Post hinggil sa 90-araw na imbestigasyon ng ahensiya ng intelihensya
Hinggil dito, maraming siyentista ang nagdududa sa tunay na layon ng naturang misyon ni Biden, at sinabi nilang maaaring tumagal ng ilang taon ang pag-aaaral sa pinanggalingan ng virus, dagdag pa ng ulat ng Washington Post.
Sa katotohanan, hindi maganda at di-mapagkakatiwalaan ang rekord ng komunidad ng intelihensya ng Amerika sa kasalukuyang siglo.
Bigo itong magbigay-babala hinggil sa teroristikong pag-atake noong Setyembre 11, 2001.
Dagdag pa riyan, ini-ulat pa nilang, may mga malawakang pamuksang sandata di-umano ang Iraq, pero, kasinungalinan lamang ito para ilunsad ang digmaan at makuha ang langis sa naturang bansa.
At kamakailan lamang, kitang-kita ang pagkabigo ng komunidad ng intelihensiya na ihanda ang administrasyon ni Biden upang harapin ang resulta ng pag-urong ng tropa ng Amerika mula sa Afghanistan.
Katawa-tawa ang pagtatangka ni Biden na tugunan ang mga siyentipikong katanungan sa pamamagitan ng paggamit ng mga espiya.
Sa kabila ng paulit-ulit na pagkabigo, parang mas nakahanda ang ilang potilikong Amerikano na maniwala sa mga espiya, sa halip na mga siyentista.
Sa ganitong situwasyon, siguradong hindi maiiwasan ang muli nilang pagkabigo.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
Philippine-BRICS Strategic Studies patuloy na isusulong ang pagkalap ng suporta para sa WHO petition
Tsina, nagkaloob ng karagdagang 1 milyong dosis ng libreng COVID-19 vaccines sa Pilipinas
CMG Komentaryo: Amerika, pinakamalaking bansang tagapagkalat ng COVID-19 sa buong mundo
Mga dalubhasang Amerikano kay Joe Biden: dapat iluwas ng pamahalaan ang mga bakuna kontra COVID-19