Dahil sa maraming butas na gawa ng mga uod sa mga puno, hindi magandang impresyon ang naidudulot sa mga bumibisita sa Parke ng Zhabei, lunsod Shanghai, Tsina.
Bilang tugon, isinagawa ng tanggapang administratibo ng Parke ng Zhabei ang mga hakbangin upang makumpuni ang problemang nabanggit.
Dagdag pa riyan, ibat-ibang disenyo ang ipinapinta rin sa nasabing mga butas sa pamamagitan ng ligtas at marahan sa kapaligirang pintura.
Sa kasalukuyan, ang Parke ng Zhabei ay mayroong 51 makukulay at buhay na buhay na litrato ng mga hayop na ipininta sa mga butas sa puno na gaya ng giant panda, maliit na raccoon, squirrel, at huksy – bagay na nakaka-akit ng napakaraming turista.
Salin: Lito
Pulido: Rhio