Maramot na kagawian sa kapaligiran, makakapinsala hindi lamang sa iba, kundi sa sarili — Tsina

2021-08-31 10:32:20  CMG
Share with:

Itinapon kamakailan ng tropang Amerikano sa Okinawa, Hapon ang waste water na may organic fluoride sa dagat, bagay na inulan ng matinding protesta mula sa panig Hapones.

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Agosto 30, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tungkol sa pagtatapon ng waste water, lubos na magkaiba ang posisyon ng Hapon sa pagtatapon ng tropang Amerikano ng waste water at pagtatapon ng sariling pamahalaan ng nuclear waste water sa dagat.

Aniya, patunay itong pinahahalagahan ng panig Hapones ang pangangalaga sa sariling kapaligiran lamang, ngunit binabalewala ang pangangalaga sa global marine ecology.

Diin ni Wang, kung magiging makasarili sa isyu ng pangangalaga sa kapaligiran, makakapinsala ito hindi lamang sa iba, kundi sa sarili rin.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method