Rusya, pinaplano ang talastasan kaugnay ng Afghanistan; Tsina nakahandang pasulungin ang kapayapaan ng Afghanistan kasama ng komunidad ng daigdig

2021-09-03 16:15:47  CMG
Share with:

Ipinahayag kamakailan ni Igor Morgulov, Pangalawang Ministro sa mga Suliraning Panlabas ng Rusya, na pinaplano ng Rusya na idaos sa Kabul ang talastasan kasama ng Amerika, Tsina at Pakistan sa panahong matatag na ang sitwasyon sa Afghanistan.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Setyembre 2, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kinakailangan ang magkakasamang pakikisangkot at suporta ng komunidad ng daigdig para sa maayos na paglulutas ng isyu ng Afghanistan. Patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig, para pasulungin ang pagsasakatuparan ng soft landing ng sitwasyon sa Afghanistan at Kabul sa lalong madaling panahon.

Rusya, pinaplano ang talastasan kaugnay ng Afghanistan; Tsina nakahandang pasulungin ang kapayapaan ng Afghanistan kasama ng komunidad ng daigdig_fororder_02wangwenbin

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method