Tsina, tinututulan ang ulat kaugnay ng Taiwan na isinapubliko ng Parliamento ng Europa

2021-09-03 16:18:15  CMG
Share with:

Kaugnay ng pag-aproba ng Komite sa Suliraning Panlabas ng Parliamento ng Europeo ng umano’y “Ulat sa Pulitikal na Relasyon at Kooperasyon sa pagitan ng Unyong Europeo at Taiwan,” ipinahayag kahapon Setyembre 2, 2021, ng Komite sa Suliraning Panlabas ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) na ang nilalaman ng naturang ulat ay lumampas ng saklaw ng normal na di-opisyal na pagpapalitan ng EU sa Taiwan, malubhang lumalabag ito sa prinsipyo ng “Isang Tsina,” sumisira ito sa pagtitiwalaan at pagtutulungan ng Tsina at Europa, at buong tatag na tinututulan ito ng Tsina.

Tsina, tinututulan ang ulat kaugnay ng Taiwan na isinapubliko ng Parliamento ng Europa_fororder_04eu

Sa pahayag, tinukoy rin ng NPC na ang Taiwan ay di-mahihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina, ang prinsipyo ng “Isang Tsina” ay pundasyong pulitikal ng pagtatatag ng relasyong diplomatiko at pagpapaunlad ng bilateral na relasyon ng Tsina at Europa. Bilang isa sa mga mahalagang organo ng EU, dapat sundin ng Parliamento ng Europa ang mga pangako kaugnay nito.

 

Binigyan-diin ng NPC na ang suliranin ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina na may kinalaman sa nukleong kapakanan ng Tsina. Di nagbabago ang kapasiyahan ng mga mamamayang Tsino sa pagsasakatuparan ng unipikasyon ng inang bayan.

 

Hinimok ng Tsina ang Parliamento ng Europa na lubos na alamin ang pagiging maselan ng isyu ng Taiwan para maiwasang makapinsala sa pagtitiwalaang pulitikal ng Tsina at Europa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method