Xi Jinping, inilabas ang mga bagong hakbangin para pasulungin ang kalakalang panserbisyo

2021-09-03 10:42:14  CMG
Share with:

Xi Jinping, inilabas ang mga bagong hakbangin para pasulungin ang kalakalang panserbisyo_fororder_1310164766_16306202011351n

 

Nagtalumpati sa pamamagitan ng video link si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Global Trade in Services Summit ng 2021 China International Fair for Trade in Services (CIFTIS), na binuksan kahapon, Setyembre 2, 2021, sa Beijing.

 

Tinukoy niya ang kahalagahan ng kalakalang panserbisyo, at malaking papel nito sa pagtatatag ng Tsina ng bagong kayarian ng pag-unlad.

 

Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng iba't ibang panig, na ibahagi ang mga pagkakataong dulot ng pag-unlad ng kalakalang panserbisyo, para itaguyod ang pagbangon at pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.

 

Binigyang-diin ni Xi, na isasagawa ng Tsina sa buong bansa ang negatibong listahan para sa cross-border na kalakalang panserbisyo, at itatatag ang mga pambansang demonstration area para sa inobatibong pag-unlad sa kalakalang panserbisyo.

 

Daragdagan din aniya ng Tsina ang pagsuporta sa pag-unlad ng sektor ng serbisyo sa mga bansa ng Belt and Road, at ibabahagi sa daigdig ang mga bunga ng pag-unlad ng teknolohiya ng Tsina.

 

Isasagawa ng Beijing at ibang mga lugar ang pagsubok ng pag-uugnayan ng mga domestikong regulasyon at mga tuntunin sa mga mataas na pamantayang pandaigdigang kasunduan sa malayang kalakalan, itatatag sa bansa ang mga digital trade demonstration zone, at patuloy ding susuportahan ng bansa ang inobatibong pag-unlad ng mga maliit at katamtamang laking bahay-kalakal, saad din ni Xi.

 

Sa temang "Towards Digital Future and Service Driven Development," idinaraos ang 2021 CIFTIS mula Setyembre 2 hanggang Setyembre 7 sa Beijing.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method