Ugnayang Sino-Biyetnames, patuloy na pasusulungin

2021-09-03 16:14:35  CMG
Share with:

Bilang pagbati sa Ika-76 Pambansang Araw ng Biyetnam, isang mensahe ang ipinadala Setyembre 2, 2021, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Pangulo ng bansa, kina Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV), at Nguyen Xuan Phuc, Pangulo ng Biyetnam.

Ugnayang Sino-Biyetnames, patuloy na pasusulungin_fororder_pangulongxi01

Sa mensaheng pambati, tinukoy ni Xi na bilang kapartner at kaibigan, nananalig ang Tsina na sa ilalim ng pamumuno ng CPV, tiyak na maayos na maisasakatuparan ng mga mamamayan ng Biyetnam ang iba’t ibang target na itinakda sa Ika-13 Kongreso ng CPV, at walang humpay na magsisikap sa maagang pagtamo ng mga target ng pag-unlad ng lipunan at bansa.

 

Binigyan-diin ni Xi na bilang mapagkaibigang kapitbansa, ang Tsina at Biyetnam ay may pinagbabahaginang kapalaran na may estratehikong katuturan. Lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon sa Biyetnam, at nakahandang magsikap, kasama ng Biyetnam, para pasulungin ang matatag na pag-unlad ng relasyon sa pagitan ng Tsina at Biyetnam at mga partido ng dalawang bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method