Isang mensahe ang ipinadala nitong Lunes, Hulyo 26, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Nguyen Xuan Phuc bilang pagbati sa kanyang panunungkulan muli bilang pangulo ng Biyetnam.
Tinukoy sa mensahe ni Xi na pagpasok sa kasalukuyang taon, maalwang idinaos ang Ika-13 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Biyetnam, at sinalubong naman ng Partido Komunista ng Tsina ang sentenaryo nito.
Ani Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pagpapaunlad ng relasyong Sino-Biyetnames. Nakahanda siyang magsikap kasama ng lider na Biyetnames para walang humpay na sumulong tungo sa hangarin ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Sino-Biyetnames.
Nang araw ring iyon, ipinadala rin ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensahe kay Phạm Minh Chính bilang pagbati sa kanyang panunungkulan muli bilang Punong Ministro ng Biyetnam.
Salin: Lito
Pulido: Mac