CMG Komentaryo: Bagong pagkakataon at “susing ginto” mula sa Tsina, makakapagpasulong sa pagbangon ng kalakalang pandaigdig

2021-09-04 15:32:10  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa Global Trade in Services Summit ng 2021 China International Fair for Trade in Services (CIFTIS) nitong Huwebes, Setyembre 2 sa pamamagitan ng video link, ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang isang serye ng mga bagong hakbangin ng bansa sa pagpapaunlad ng kalakalan ng serbisyo, bagay na nagpadala ng malinaw na signal ng tuluy-tuloy na pagpapalawak ng Tsina ng pagbubukas.
 

Ito ay hindi lamang magkakaloob ng bagong pagkakataon para sa pagbangon ng pandaigdigang kalakalan ng serbisyo, kundi magsisilbing “susing ginto” rin para sa pagresolba sa mga kinakaharap na kahirapan ng kabuhayang pandaigdig.

CMG Komentaryo: Bagong pagkakataon at “susing ginto” mula sa Tsina, makakapagpasulong sa pagbangon ng kalakalang pandaigdig_fororder_20210904CIFTIS

Bilang pangalawang pinakamalaking bansa ng kalakalan ng serbisyo sa buong mundo, ang pagtataguyod ng Tsina ng CIFTIS ay hindi lamang mahalagang bintana ng pagpapalawak ng pagbubukas, kundi mahalagang plataporma rin ng pagbabahagi ng daigdig ng merkado ng serbisyo ng Tsina.
 

Ang nabanggit na mga bagong hakbangin ay may kinalaman sa 4 na aspektong gaya ng pagpapataas ng lebel ng pagbubukas, pagpapalawak ng espasyo ng kooperasyon, pagpapalakas ng pagtatakda ng mga alituntunin sa larangan ng serbisyo, patuloy na pagsuporta sa may inobasyong pag-unlad ng mga katamtaman at maliliit na kompanya at iba pa.
 

Sa kalagayan ng paulit-ulit na pagsiklab ng pandemiya sa buong mundo at mahinang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, ang tuluy-tuloy na pagpapalawak ng Tsina ng pagbubukas ng industriya ng serbisyo ay nagsisilbing masusing lakas-panulak para sa pagbangon ng kalakalang pandaigdig at paglago ng kabuhayang pandaigdig.
 

Kung nais sokusyunan ang mga problemang kinakaharap sa kabuhayan, kalakalan at pamumuhunang pandaigdig, iisa lang ang “susing ginto,” alalaong baga’y sa mula’t mula pa’y paggigiit sa kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon, at win-win situation.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method