Nang kapanayamin ng mamamahayag ng China Media Group (CMG) nitong Setyembre 3 (local time), 2021, ipinahayag ni Ahmadullah Wasiq, Pangalawang Puno ng Komisyong Kultural ng Taliban, na natapos na ang pulong ng Taliban tungkol sa pagbubuo ng pamahalaang Afghan, at isasapubliko ang listahan ng mga miyembro ng bagong pamahalaan sa malapit na hinaharap.
Sinabi niya na sa kasalukuyan, maalwang isinasagawa ang mga paghahanda para sa seremonya ng pagbubuo ng bagong pamahalaang Afghan. Iimbitahin ang mga panauhin sa loob at labas ng bansa sa paglahok sa seremonyang ito, dagdag pa niya.
Ayon sa naunang impormasyong inilabas ng mediang Afghan, nakatakdang ipatalastas ng Taliban ang pagbubuo ng bagong pamahalaan noong Setyembre 3.
Salin: Lito
Mataas na opisyal ng Taliban: tropang Amerikano, tunay na sumira sa Afghanistan
Pagbuo ng bagong pamahalaang sa Afghanistan, pinagpulungan ng Taliban
Taliban sa Amerika: Paalisin ang lahat ng tropa at tauhan bago ang Agosto 31
Taliban: impormasyon sa bagong pamahalaan, isasapubliko sa malapit na hinaharap