Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina nitong Martes, Setyembre 7, 2021, 19 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Lahat ng mga ito ay galing sa labas ng bansa.
Bukod dito, 11 ang asimtomatiko at 1 ang bagong karagdagang pinaghihinalaang kaso, na galing din sa labas ng bansa.
Batay pa sa datos, sa araw ng Setyembre 7, ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland ay 795.
Samantala, 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Salin: Vera
Pulido: Mac