Pagpapalakas ng sistemang pangkalusugan, ipinangako ng mga kasaping bansa ng Rehiyonal na Komite para sa Timog-Silangang Asya ng WHO

2021-09-08 15:23:02  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video links, ginanap ang pulong na ministeryal ng ika-74 na sesyon ng Rehiyonal na Komite para sa Timog-Silangang Asya ng World Health Organization (WHO).
 

Pinag-tibay sa pulong ang deklarasyong nagsasabing ikinababahala ng mga ministro ng kalusugan ng iba’t ibang bansa ang negatibong epekto ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa kalusugan, lipunan at kabuhayan.
 

Anang deklarasyon, sinang-ayunan ng mga ministro na palakasin ang political leadership at accountability para igarantiya ang seguridad sa kalusugan, at isakatuparan ang unibersal na health coverage at target ng sustenableng pag-unlad sa larangan ng kalusugan.
 

Binuksan ang nasabing pulong noong Setyembre 6, at tumatagal ng 5 araw.
 

Sa pagtataguyod ng Nepal, kalahok dito ang mga opisyal ng mga departamento ng kalusugan ng Nepal, Bangladesh, India, Sri Lanka, Thailand, East Timor at iba pang bansa, at mga kinatawan mula sa mga organo ng United Nations (UN), kooperatibong partner, at mga organisasyong di-pampamahalaan at panlipunan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method