Isinapubliko ni Zabihullah Mujahid, Tagapagsalita ng Afghan Taliban nitong Setyembre 7, 2021, sa preskong idinaos sa Kabul, ang mga pangunahing miyembro ng bagong pamahalaan ng Afghanistan.
Ang bagong Emir o supreme commander ng Afghanistan ay si Hibatullah Akhundzada.
Si Mullah Mohammad Hassan Akhund ang pansamantalang punong ministro.
Acting Defense Minister naman ang hahawakang posisyon ni Mullah Mohammad Yaqoob, anak ng yumaong Taliban co-founder na si Mullah Mohammad Omar.
Si Sirajuddin Haqqani, anak ng tagapagtatag ng Haqqani network, ay hinirang bilang pansamantalang Ministro ng mga Suliraning Panloob.
Samantala ang ilang pang pansamantalang opisyal na manunungkulan ay sina Amir Khan Muttaqi ay hinirang bilang Ministrong Panlabas, Mullah Hidayat Badri bilang Finance Minister, Abdul Hakim bilang Justice Minister at Khairullah Khairkhwa bilang Information Minister.
Salin:Sarah
Pulido:Mac