Sa kanyang pagdalo Huwebes ng gabi, Setyembre 9, 2021 sa Ika-13 BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa) Summit via video link, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na hanggang sa ngayon, ipinagkaloob na ng panig Tsino ang mahigit 1 bilyong bakuna kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa mahigit 100 bansa’t organisasyong pandaigdig. Nagsisikap pa aniya ang Tsina upang ipagkaloob ang 2 bilyong bakuna sa ibang bansa sa loob ng kasalukuyang taon.
Ipinatalastas din ni Xi na sa loob ng taong ito, ipagkakaloob ng libre ng Tsina ang 100 milyong bakuna sa mga umuunlad na bansa.
Salin: Lito