Mga bansang BRICS, dapat pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan — Xi

2021-09-09 22:08:27  CMG
Share with:

Sa kanyang pagdalo Huwebes ng gabi, Setyembre 9, 2021 sa Ika-13 BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa) Summit via video link, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa kasalukuyan, sinasalanta pa rin ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ang buong mundo, mahirap na umaahon ang kabuhayang pandaigdig, at nagiging malalim at masalimuot ang pagbabago ng kaayusang pandaigdig.

Ani Xi, sa harap ng mga hamon, dapat ipakita ng mga bansang BRICS ang responsibilidad, pasulungin at ipatupad ang tunay na multilateralismo, pasulungin ang pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa pandemiya para makapagbigay ng positibong ambag para sa kapayapaan at kaunlarang pandaigdig at maitatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.


Salin: Lito

Please select the login method