Mainam na kapaligirang panlabas, ipagkakaloob ng mga kapit bansa ng Afghanistan —— Wang Yi

2021-09-09 16:59:15  CMG
Share with:

Setyembre 8, 2021, Beijing – Sa pamamagitan ng video link, lumahok si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa kauna-unahang Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng mga Kapit-bansa ng Afghanistan.

Mainam na kapaligirang panlabas, ipagkakaloob ng mga kapit bansa ng Afghanistan —— Wang Yi_fororder_02wangyi

Ipinahayag ni Wang na kasabay ng pagbibigay-kalutasan sa makatuwirang pag-aalala ng sariling bansa, dapat patingkarin ng mga kapit-bansa ng Afghanistan ang partikular na papel para ipagkaloob ang mainam na kapaligirang panlabas para sa pag-unlad ng Afghanistan.

 

Aniya, sa kasalukuyan, maaaring isagawa ang koordinasyon at kooperasyon sa 6 na larangan:

 

Una, tulungan ang Afghanistan sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19);

Ikalawa, pagpapanatiling bukas sa mga puwerto;

Ikatlo, pagpapalakas ng pagkontrol sa mga refugee at migrante;

Ikaapat, pagkakaloob ng makataong tulong sa lalong madaling panahon;

Ikalima, pagpapalalim ng kooperasyon sa paglaban sa terorismo;

Ika-anim, pagsasagawa ng kooperasyon laban sa droga.

 

Positibo namang pinahalagahan ng mga kalahok ang serye ng komong palagay na narating sa pulong na ito.

 

Kinumpirma rin sa pagtitipon ang partikular na papel ng Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Kapit-bansa ng Afghanistan, at sumang-ayon ang mga kalahok na gawin itong mekanismo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method