Pagtatatag ng malawak at inklusibong estrukturang pulitikal ng pansamantalang pamahalaang Afghan, inaasahan ng panig Tsino

2021-09-09 14:36:00  CMG
Share with:

Ipinatalastas, Setyembre 7, 2021, ipinatalastas ng Afghan Taliban ang pagbuo ng pansamantalang pamahalaan, at isinapubliko ang listahan ng ilang mahahalagang opisyal.

Kaugnay nito, sinabi nitong Setyembre 8 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pinahahalagahan ng panig Tsino ang nasabing hakbang ng Afghan Taliban.

Umaasa aniya ang Tsina na maitatatag sa Afghanistan ang malawak at inklusibong estrukturang pulitikal.

Ipinahayag ni Wang na palagian at malinaw ang posisyon ng panig Tsino sa isyu ng Afghanistan – iginagalang ng Tsina ang soberanya, pagsasarili, at kabuuan ng teritoryo ng Afghanistan, hindi ito nanghihimasok sa mga suliraning panloob ng bansa, at kinakatigan ang mga mamamayang Afghan sa indipendiyeteng pagpili sa landas ng pag-unlad na angkop sa kalagayang pang-estado.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method