Kasama ng Tsina, mga bansa ng Timog at Timog Silangang Asya, aktibong pasusulungin ang pagkakaisa at pag-unlad ng iba't-ibang nasyonalidad

2021-09-09 16:58:21  CMG
Share with:

Sa paanyaya ng Internasyonal na Departamento ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (IDCPC), pumunta Setyembre 8, 2021, ang mga embahador at konsul heneral ng iba’t-ibang bansa sa Tsina, sa lunsod Guilin, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, para maglakbay-suri sa nayong Xilong, modelong nayon sa pagpawi ng karalitaan ng minoryang nasyonalidad.

Kasama ng Tsina, mga bansa ng Timog at Timog Silangang Asya, aktibong pasusulungin ang pagkakaisa at pag-unlad ng iba't-ibang nasyonalidad_fororder_01guilin

Lumahok sa paglalakbay-suri ang mga opisyal mula sa mga bansang kinabibilangan ng Pilipinas, Laos, Malaysia, Thailand, Biyetnam, East Timor, Bangladesh, Maldives, Cambodia, Pakistan at iba pa.

 

Bukod dito, lumahok din sila sa aktibidad ng pagpapalitan na nagtatampok sa pagkakaisa ng mga nasyonalidad.

 

Isinalaysay ni Song Tao, Ministro ng IDCPC, ang mga dakilang bungang nakamit ng mga mamamayang Tsino sa pagpapawi ng karalitaan, pagpapasulong ng pagkakaisa ng iba’t-ibang nasyonalidad, at iba pang larangan, sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC.

 

Aniya, nakahanda ang CPC na lalo pang palakasin ang pakikipagpalitan sa mga partido ng iba’t-ibang bansa at rehiyon; suportahan ang isa’t-isa upang hanapin ang landas ng pag-unlad na angkop sa sariling bansa, para mas mabuting pasulungin ang pag-unlad at pagkakaisa ng iba’t-ibang nasyonalidad; at magkakasamang isakatuparan ang kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyong ito.

 

Samantala, ipinahayag ng mga sugo na nakahanda silang aktibong pasulungin ang koordinasyon sa pagitan ng mga partido ng kanilang bansa at CPC, at palakasin ang pagpapalitan ng karanasan sa pamamahala, upang magbigay ng mas malaking ambag sa pagpapasulong ng pagkakaisa ng mga nasyonalidad at pagpapalalim ng aktuwal na kooperasyon ng iba’t-ibang panig sa maraming larangan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method