Tsina at mga bansang may katulad na paninindigan, umaasang ibibigay ng komunidad ng daigdig ang mas maraming pansin sa pagbabawas ng karalitaan

2021-07-01 15:26:17  CMG
Share with:

Kasama ang mga bansang may katulad na paninindigan, ipinanawagan ng Tsina sa iba’t ibang bansa na ibigay ang mas maraming pansin sa pagbabawas ng karalitaan.

 

Sa kanyang talumpati Hunyo 30, 2021, sa Pulong ng Ika-47 United Nations Human Rights Council (UNHRC), at sa ngalan ng mga bansang may katulad na paninindigan, ipinahayag ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa Tanggapan ng UN sa Geneva, na ang pagbabawas ng karalitaan ay punong target ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng UN, at ito rin ay mahalagang bahagi ng pagpapasulong at pangangalaga sa karapatang pantao.

 

Aniya, dapat lalo pang pasulungin ng komunidad ng daigdig ang kooperasyong pandaigdig sa pagbabawas ng karalitaan, at ipagkaloob ang tulong, partikular, sa mga umuunlad na bansa.

 

Umaasa si Chen na gaganapin ng mga organong pandaigdig sa karapatang pantao ang mas positibong papel sa pagpapasulong ng pagbabawas ng karalitaan sa buong daigdig.

Tsina at mga bansang may katulad na paninindigan, umaasang ibibigay ng komunidad ng daigdig ang mas maraming pansin sa pagbabawas ng karalitaan_fororder_un

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method