Idinaos kamakailan via videolink ang Ika-11 Pulong ng mga Ministrong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng mga Bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa) kung saan malalim na tinalakay ng mga kalahok ang tungkol sa mga temang gaya ng pagpapalakas ng pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), pagsuporta sa multilateral na sistemang pangkalakalan, at pragmatikong kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.
Narating ng mga kalahok ang “Magkakasanib na Komunike ng Ika-11 Pulong ng mga Ministrong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng BRICS.”
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nitong Setyembre 6, 2021 ni Chen Chao, Pangalawang Puno ng Pandaigdigang Departamento ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na natamo ng nasabing pulong ang mga bunga sa 3 aspektong kinabibilangan ng pagbibigay-pangako sa pagpapalalim ng pandaigdigang kooperasyon sa pakikibaka laban sa pandemiya, buong pagkakaisang pagsang-ayon sa pangangalaga sa multilateral na sistemang pangkalakalan, at pagbibigay-determinasyon sa pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyon.
Ani Chen, magkakasamang palalawakin ng Tsina at iba pang mga bansang BRICS ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan para matulungan ang pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Lito
Pulido: Mac