CPC at mga partido ng bansa ng Timogsilangang Asya at Timog Asya, palalalimin ang pagpapalitan

2021-09-10 15:17:23  CMG
Share with:

Sa ilalim ng temang “Pagpapalakas ng Kooperasyon ng mga Partido, Magkakasamang Paghahanap ng Pag-unlad ng Kabuhayan,” idinaos ang Diyalogo ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Partido ng mga bansa ng Timogsilangang Asya at Timog Asya nitong Setyembre 9, 2021, sa Nanning ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina.

CPC at mga partido ng bansa ng Timogsilangang Asya at Timog Asya, palalalimin ang pagpapalitan_fororder_01nanning

Ipinahayag ng mga kalahok na lider ng iba’t ibang partido na nakahanda silang lalo pang palalimin ang pakikipagpalitan sa CPC, upang magkaisa ang iba’t ibang partido para harapin ang mga hamon at kahirapan, at magkakasamang itatag ang mas magandang daigdig.

 

Bukod dito, pinagtibay sa diyalogo ang Komong Mungkahi ng CPC at Partido ng mga Bansa ng Timogsilangang Asya at Timog Asya.

 

Sa pamamagitan ng video link, lumahok sa diyalogo ang maghit 300 tauhan na kinabibilangan ng lider ng mga 40 partido, mga namamahalang tauhan ng kabataang organisasyon, at kinatawan ng mga pamahalaan.

 

Bukod dito, dumalo rin sa pulong sa Nanning ang mga 30 sugo at mataas na diplomata ng mga bansa ng Timogsilangan at Timog Asya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method