Isinapubliko madaling araw ng Setyembre 13, 2021, ang inisyal na resulta ng halalan ng Ika-7 Lehislatibong Asembleya ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (MacaoSAR) ng Tsina.
Ayon dito, 14 na kandidato ang direktang nahalal sa puwesto, samantalang 12 iba pa ang di-tuwirang nakakuha ng luklukan.
Kaugnay nito, ipinahayag ng pamahalaan ng MacaoSAR na maayos ang proseso ng buong halalan, at ito ay lubos na nagpapakita ng pagkakapantay-pantay, katarungan, at kalinisan.
Ang Ika-7 Lehistatibong Asembleya ay binubuo ng 33 luklukan.
Magsisimula mula darating na Oktubre ang termino ng mga bagong halal na lehislador, at ang kanilang termino ay tatagal ng 4 na taon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio