Matinding kawalang-kasiyahan at tahasang pagtutol sa pahayag ng EU kaugnay ng Macao, inihayag ng Misyong Tsino

2021-08-02 16:34:58  CMG
Share with:

Bilang tugon sa pananalitang inilabas nitong Sabado, Hulyo 31, 2021 ng European External Action Service hinggil sa halalan ng Lehislatibong Konseho ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (Macao SAR), sinabi nang araw ring iyon ng Misyong Tsino sa Unyong Europeo (EU) na ang nasabing pahayag ay malubang sumasalungat sa pandaigdigang batas at pundamental na simulain ng relasyong pandaigdig.
 

Solemna anitong hinihiling ng panig Tsino sa panig Europeo na totoong igalang ang soberanya ng Tsina, at agarang itigil ang pakikialam sa mga suliranin ng Macao SAR, sa lahat ng porma.
 

Tinukoy pa ng Misyong Tsino na nitong nakalipas na mahigit 20 taon, matagumpay na ipinatupad sa Macao ang “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” at tinatamasa ng mga residente ng Macao ang malawak na karapatan at kalayaan na walang katulad sa kasaysayan.
 

Nananalig anito ang panig Tsino, na sa ilalim ng puspusang suporta ng pamahalaang sentral at komong pagsisikap ng iba’t-ibang kaukulang panig ng Macao SAR, tiyak na maalwang maidaraos ang halalan ng Ika-7 Lehislatibong Konseho ng Macao, at tiyak na magiging matatag at pangmalayuan ang matagumpay na praktika ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema” na may katangian ng Macao.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method