Industriya ng manupaktura ng Tsina, nasa unang puwesto sa daigdig

2021-09-13 16:36:46  CMG
Share with:

Sa news briefing na idinaos Setyembre 13, 2021 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, ipinahayag ni Xiao Yaqing, Ministro sa Industriya at Impormasyon ng Tsina, na mula noong 2012 hanggang 2020, na mula 20.9 trilyong yuan RMB, lumaki sa 31.3 trilyong yuan RMB ang added value ng industry ng Tsina.

 

Kabilang dito, tumaas sa 26.6 trilyong yuan RMB ang added value ng industriya ng manupaktura, mula sa 16.98 trilyong yuan RMB.

 

Ang proporsyong ito aniya ay umakyat ng halos 30% mula sa 22.5%.

 

Sinabi pa niya na magkakasunod na naging unang puwesto ang industriya ng manupaktura ng Tsina sa buong daigdig nitong nakaraang 11 taong singkad.

Industriya ng manupaktura ng Tsina, nasa unang puwesto sa daigdig_fororder_03zhizaoye

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Please select the login method