Amerika, dapat tulungan ang Afghanistan na tugunan ang kahirapang pangkabuhayan - Tsina

2021-09-14 17:21:56  CMG
Share with:

Bilang inisyador ng isyu ng Afghanistan, dapat tunay na isakatuparan ng Amerika ang pangako nito sa Afghanistan, isabalikat ang responsibilidad at obiligasyon, aktibong isagawa ang aksyon sa paunang kondisyon ng paggalang sa kalayaan at soberanya ng Afghanistan, para tulungan ang Afghanistan na matugunan ang kahirapang pangkabuhayan.

 

Ipinahayag ito Setyembre 13, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Minsitring Panlabas ng Tsina.

Amerika, dapat tulungan ang Afghanistan na tugunan ang kahirapang pangkabuhayan - Tsina_fororder_zhaolijian

Aniya, sa kanyang paglahok kamakailan sa kauna-unahang pulong ng mga Ministrong Panlabas ng mga kapitbansa ng Afghanistan, ipinaalam ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina ang desisyon ng Tsina na pangkagipitang ipagkaloob sa Afghanistan ang mga pagkain, materyal para sa taglamig, bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at gamot, na nagkakahalaga sa kabuuan ng 200 milyong yuan RMB.

 

Sinabi pa ni Wang Yi na kung magiging ligtas ang kondisyon, nakahanda ang Tsina na tulungan ang Afghanistan sa pagtatatag ng mga proyektong pangkabuhayan at gawin ang lahat ng makakaya upang suportahan ang hakbang ng bansa para makamit ang kapayapaan, rekonstruksyon at pang-ekonomikong kaunlaran.  

 

Ito ay lubos na nagpapakita ng mapagkaibigang patakaran ng Tsina sa lahat ng mamamayan ng Afghanistan, at ang tradisyon ng Nasyong Tsinong tulungan ang mga nangangailangan, dagdag ni Zhao Lijian.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method