Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 73 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Martes, Setyembre 14, 2021.
Kabilang dito, 23 ang galing sa labas ng bansa, at 50 naman ang domestikong kaso.
Bukod dito, 1 ang bagong karagdagang pinaghihinalaang kaso, na galing din sa labas ng bansa.
Hanggang magha-hating gabi ng Setyembre 15, ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland ay 837.
Samantala, 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Salin: Vera
Pulido: Rhio