Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 49 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Linggo, Setyembre 12, 2021.
Kabilang dito, 27 ang galing sa labas ng bansa, at 22 naman ang domestikong kaso.
Hanggang magha-hating gabi ng Setyembre 13, ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland ay 751.
Samantala, 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Salin: Vera
Pulido: Rhio