Isang liham na pambati ang ipinadala Setyembre 16, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pagbubukas ngayong araw ng China Quality Conference sa Hangzhou, Lalawigang Zhejiang ng bansa.
Ani Xi, ang kalidad ay mahalagang garantiya sa produksyon at pamumuhay ng sangkatauhan.
Nagpupunyagi aniya ang Tsina para sa pagpapataas ng kalidad, pagpapalakas sa komprehensibong pangangasiwa sa kalidad, pagpapasulong sa reporma sa mas magandang kalidad, mas mataas na espisyensiya at mas mabisang lakas-panulak, at pagpapaibayo ng de-kalidad na pag-unlad.
Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng iba’t-ibang bansa, na palakasin ang kooperasyong pandaigdig sa kalidad, magkasamang pasulungin ang reporma at inobasyon ng kalidad, pahigpitin ang konektibidad ng imprastruktura ng kalidad, at gawin ang ambag para sa pagpapasulong sa paglago ng kabuhayang pandaigdig, at paglikha ng masaganang kinabukasan ng sangkatauhan.
Ang tema ng nasabing komperensya ay “Quality Evolution, Digital Empowerment, Green Development, Global Synergy.”
Salin: Vera
Pulido: Rhio