Tsina sa Amerika at ibang bansa: dapat itakda ang plano ng aksyon sa karapatang-pantao

2021-09-16 17:22:24  CMG
Share with:

Ipinanawagan Setyembre 15, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa Amerika, Kanada, Pransya, Alemanya, Hapon at iba pang bansang madalas gumagawa ng usapin sa karapatang-pantao, na itakda ang sariling pambansang plano ng aksyon ayon sa pandaigdigang pamantayan, para igarantiya ang karapatang-pantao ng kanilang mga mamamayan sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.

Tsina sa Amerika at ibang bansa: dapat itakda ang plano ng aksyon sa karapatang-pantao_fororder_01zhaolijian

Sa kanyang talumpati sa ngalan ng mahigit 40 bansa sa Ika-48 Pulong ng Konseho ng Karapatang Pantao ng United Nations, Setyembre 14, inilabas ng pirmihang kinatawang Tsino sa Geneva, ang panawagan sa iba’t-ibang bansa na isakatuparan ang matatag na kapayapaan at isulong ang pangangalaga sa karapatang-pantao.

 

Kaugnay nito, tinukoy ni Zhao na itinakda na ng mahigit 60 bansa sa buong daigdig ang plano ng aksyon sa karapatang-pantao.

 

Sa mga ito, itinakda ng Tsina, Indonesya at Mexico ang magkakasunod na 4 na plano.

 

Nanawagan din si Zhao sa iba’t-ibang bansa na dapat magkakasamang magsikap para lubos na maisulong ang mapayapa, at ligtas na daigdig at karapatang-pantao para sa buong sangkatauhan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method