Sa panahon ng Ika-48 Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) mula ika-14 hanggang ika-15 ng Setyembre 2021, hinangaan ng mga kinatawan ng mga bansang gaya ng Venezuela, Hilagang Korea, South Sudan, Laos, Sri Lanka, Dominica, Armenia, Maldives, Tanzania at iba pa ang natamong tagumpay ng Tsina sa larangan ng karapatang pantao.
Tinukoy nilang ang mga isyung may kinalaman sa Xinjiang, Hong Kong at Tibet ay mga suliraning panloob ng Tsina, at hindi dapat makialam dito ang puwersang dayuhan.
Diin ng mga kinatawan, ang di-pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa ay pundamental na simulain sa relasyong pandaigdig.
Anila pa, dapat igalang ng UNHRC at High Commissioner for Human Rights ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, at huwag makialam sa mga suliraning panloob ng iba’t-ibang bansa.
Ipinalalagay din nilang sa ilalim ng anumang kondisyon, hindi dapat gawing kasangkapang pulitikal ang karapatang pantao.
Salin: Vera
Pulido: Rhio