Ayon sa ulat ng media ng Amerika, tinatalakay kamakailan ng pamahalaan ni Pangulong Joe Biden ang paglulunsad ng imbestigasyon sa Chinese subsidies sa ilalim ng Section 301 ng U.S. Trade law.
Kaugnay nito, ipinahayag Setyembre 16, 2021, ni Shu Jueting, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ipinalalagay ng Tsina na ang unilateral na proteksyonismong pangkalakalan ay hindi makakabuti sa Tsina, Amerika at sa pagbangon ng kabuhayan ng buong daigdig.
Nauna rito, nag-usap sa telepono ng mga lider ng Tsina at Amerika, at sumang-ayong panatilihin ang madalas na pag-uugnayan sa iba’t ibang porma.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Shu na ipapatupad ang mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, at pananatilihin ng working group ng kabuhayan at kalakalan ng dalawang bansa ang normal na komunikasyon.

Salin:Sarah
Pulido:Mac