Sa pamamagitan ng video link, dumalo at nagtalumpati ngayong hapon, Setyembre 17, 2021, mula sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa Ika-21 Pulong ng Konseho ng mga Lider ng Miyembro ng Shanghai Cooperation Orgnization (SCO).
Binigyan-diin ni Xi na nitong nakaraang 20 taon, mabunga ang pag-unlad at kooperasyon ng SCO. Palagiang sinusunod ng mga miyembro ng SCO ang Diwa ng Shanghai, magkakasamang nagsisikap para isakatuparan ang kapayapaan at pag-unlad ng daigdig, at itinatatag ang bagong relasyong pandaigdig, at komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng kapalaran ng buong sangkatauhan.
Aniya, sa ngayon, ang SCO ay nasa bagong punto ng pagsisimula ng kasaysayan. Dapat samantalahin ang tumpak na direksyon, para itatag ang mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng kapalaran ng SCO, at ibigay ang mas malaking ambag para sa pangmalayuang kapayapaan at komong kasaganaan ng buong mundo.
Sinabi rin ni Xi na ang iba’t ibang miyembro ng SCO ay nasa masusing yugto ng kani-kanilang pag-unlad. Dapat tulungan ng mga miyembro ang isa’t isa, para magkakasamang itatag ang mabuting kinabukasan.
Salin:Sarah
Pulido:Mac