Handa na, pabilyon ng Tsina sa Dubai World Expo

2021-09-17 16:31:29  CMG
Share with:

Handa ang China Pavilion, isa sa pinakamalaking eksibisyon sa Expo 2020 Dubai na magbubukas sa Oktubre 1, 2021.

 

Sa news briefing na idinaos ng China Council For the Promotion of International Trade (CCPIT) kahapon, Setyembre 16, 2021, ipinahayag ni Zhang Shenfeng, Pangalawang Pinuno ng CCPIT, na sa kasalukuyan, handa na ang iba’t ibang gawain hinggil sa Pavillion ng Tsina.

Handa na, pabilyon ng Tsina sa Dubai World Expo_fororder_05expopavilliontsino

(Photo from: China Council For the Promotion of International Trade)

“Pagkatatatag ng Komunidad ng Pinagbabahaginang Kinabukasan ng Sangkatauhan - Inobasyon at Pagkakataon,” ito ang tema ng Pavilion ng Tsina. 26 na provincial level regions at higit 40 nangungunang mga kumpanya ang lalahok sa eksibisyon, fora at iba pang mga aktibidad sa kapwa online at on-site na plataporma.

 

Bukod sa on-site na pavilion, itinatag din ang “ Cloud Pavilion ng Tsina,” kaya maaaring makita ng mas maraming tao ang eksibisyon sa pamamagitan ng internet.

 

Dapat sanang idaos mula Oktubre 20, 2020 hanggang April 10, 2021, ang “Dubai World Expo”. Pero dahil sa epekto ng pandemiya ng COVID-19, ipinagpaliban ito sa wakas ay bubuksan na sa Oktubre 1, 2021 at tatakbo hanggang Marso 31, 2022.

 

Sa kasalukuyan may 192 bansa ang kumpirmadong lalahok sa EXPO 2020 Dubai at inaasahan itong makakaakit ng 25 milyon bisita.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method