Zhuhai, Lalawigang Guangdong ng Tsina—Ginanap nitong Biyernes, Setyembre 17, 2021 ang inagurasyon ng Pang-administratibong Organisasyon ng Guangdong-Macao In-depth Cooperation Zone sa Hengqin.
Dumalo at nagtalumpati sa seremonya si Han Zheng, Pangalawang Premyer ng Tsina.
Tinuloy ni Han na ang pagtatatag ng nasabing sonang pangkooperasyon ay mahalagang desisyong binalak, isinagawa at pinasulong ni Pangulong Xi Jinping.
Diin niya, ang seremonya ng inagurasyon ay isang historikal na sandali para sa nasabing sona ng kooperasyon, at dahil dito, pumasok sa bagong yugto ng komprehensibong pagpapatupad ang kontruksyon ng sonang ito.
Hinimok niya ang Guangdong at Macao na palakasin ang kooperasyon, at matatag na kumpletuhin ang bagong mekanismo na may malawakang konsultasyon, magkasanib na pangangasiwa at pinagbabahaginang benepisyo.
Pagkatapos ng seremonya, naglakbay-suri si Han sa Macao new neighborhood project sa Hengqin.
Salin: Vera
Pulido: Rhio