Ang Mid-Autumn Festival ay mahalagang tradisyonal na kapistahan ng Tsina para sa pagtitipun-tipon ng pamilya.
Naniniwala ang mga Tsino, na ang maligayang pamilya ay makakatulong sa katahimikan ng bansa at harmonya ng daigdig.
Sa bisperas ng Mid-Autumn Festival, tingnan natin ang ilang klasikong sinipi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, tungkol sa pagmamahal sa mga mamamayan, bansa, at buong mundo.
乘风好去,长空万里,直下看山河
Nais kong lumipad sa mataas na langit, para makita ang kagandahan ng kabundukan at katubigan ng inang bayan.
Mula sa tula ni Xin Qiji noong Dinastiya ng Southern Song.
民亦劳止,汔可小康
Dapat bigyang-wakas ang kahirapan ng mga mamamayan, at itatag ang may kaginhawahang lipunan para sa kanila.
Mula sa "Classic of Poetry," koleksyon ng mga tulang Tsino mula noong ika-11 hanggang ika-7 siglo BC.
万物各得其和以生,各得其养以成
Lumitaw ang lahat ng mga buhay sa maharmonyang kapaligiran, at lumago pagkaraang mabuting alagaan.
Mula sa "Discussion of Heaven," kabanata ng "Xunzi," koleksyon ng mga pilosopikong kaisipang ginawa noong ika-3 siglo BC.
邦畿千里,维民所止
Kahit gaanong kalaki ang bansa, ito ay dapat maging purok-panirahan ng mga mamamayan.
Mula sa "Classic of Poetry," koleksyon ng mga tulang Tsino mula noong ika-11 hanggang ika-7 siglo BC.
治国有常,而利民为本
Marami ang mga prinsipyo tungkol sa pangangasiwa ng bansa, at ang pinakasaligan sa mga ito ay pagbibigay ng mga benepisyo sa mga mamamayan.
Mula sa "Huainanzi," koleksyon ng mga sanaysay na ginawa noong ika-2 siglo BC, kung saan tinukoy ang mga kinakailangang kondisyon para sa perpektong kaayusang sosyo-politikal.
志合者,不以山海为远
Kung may komong hangarin ang dalawang tao, malapit ang kani-kanilang puso, kahit inihihiwalay sila ng kabundukan at karagatan.
Mula sa "Baopuzi (Book of the Master Who Embraces Simplicity)," na ginawa mula ika-3 hanggang ika-4 na siglo, kung saan nakalakip ang mga ideya tungkol sa legalismo, pulitika, at lipunan.
大道之行,天下为公
Batay sa pinakasaligang kaisipang pulitikal, ang daigdig ay kabilang sa lahat ng mga tao sa mundo.
Mula sa "Book of Rites," koleksyon ng mga Confucian idea.
悠悠天宇旷,切切故乡情
Sa malawak na kalangitan at kalupaan, umiiral ang aking malalimang damdamin sa inang bayan.
Mula sa Tula ni Zhang Jiuling noong Dinastiya ng Tang.
Editor: Liu Kai