Tsina at mga bansang Latin American at Caribbean, pasusulungin ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan

2021-09-19 18:27:38  CMG
Share with:

Tsina at mga bansang Latin American at Caribbean, pasusulungin ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan_fororder_1127879752_1632006872205_title0h

 

Sa paanyaya ng Mexico, kasalukuyang tagapangulong bansa ng Community of Latin American and Caribbean States (CELAC), nagbigay si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng video speech sa ika-6 na summit ng organisasyong ito, na idinaos kahapon, Setyembre 18, 2021, sa Mexico City.

 

Sinabi ni Xi, na gumaganap ang CELAC ng mahalagang papel para sa kapayapaan, katatagan, at komong kaunlaran ng rehiyong ito.

 

Aniya, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyon sa organisasyong ito, at itinatag noong 2014 ang Porum ng Tsina at CELAC, na naging bagong plataporma para sa komprehensibong kooperasyon ng dalawang panig.

 

Ipinahayag ni Xi, na patuloy na susuportahan ng Tsina ang mga bansang Latin American at Caribbean sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pagpapasulong ng kabuhayan at lipunan.

 

Nakahanda rin aniya ang Tsina, kasama ng naturang mga bansa, na pagtagumpayan ang kahirapan, likhain ang mga pagkakataon, at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method