Malapit na ang Mid-Autumn Festival, isang tradisyonal na kapistahang Tsino na ipinagdiriwang tuwing Agosto 15 sa lunar calendar. Dahil ang araw na ito ay pumapatak sa kalagitnaan ng taglagas, tinatawag itong mid-Autumn.
Ang buwan sa petsang Agosto 15 sa lunar calendar ay mas bilog at malinaw kaysa full moon ng ibang mga buwan, kaya tinatawag din itong Moon festival sa Agosto.
Sa gabi ng araw na ito, habang pinagmamasdan ng mga tao ang kabilugan ng buwan, natural na inaasahan ang pagtitipun-tipon ng mga miyembro ng pamilya.
Para sa mga manlalakbay sa malayong lugar, maaaring maramdaman ang pangungulila sa kanilang bayan ng kapanganakan at maging kanilang mga kamag-anakan.
Kaya, tinatawag din ang Mid-Autumn Festival bilang “Kapistahan ng Pagtitipun-tipon.”
Noong sinaunang panahon, may kaugalian ang mga mamamayang Tsino para “magbigay-galang sa Moon God pagsapit ng takip-silim ng araw ng Mid-Autumn Festival.”
Kasunod ng paglipas ng panahon, ang pag-uwi sa sariling bayan, pagtitipun-tipon ng buong pamilya, paglalakbay kasama ng mga kaibigan, pagpapadala ng pagbati sa isa’t-isa, paggawa at pagkain ng mooncake, pagsilay sa buwan, at iba pa ang karaniwang ginagawa ng mga mamamayang Tsino kada Mid-Autumn Festival sa modernong panahon.
Bagama’t maraming kaugalian at porma ng pagdiriwang ng Mid-Autumn Festival, nagtataglay ang mga ito ng walang-hanggang pagmamahal sa pamumuhay at kasabikan sa magandang pamumuhay.
Captions:
Noong 1950s, sa Guangzhou, maligayang nagpapalipas ng Mid-Autumn Festival si Guo Ru, 81 taong gulang na mangingisda, kasama ng mga miyembro ng kanyang pamilya sa apat na henerasyon.
Ito ang seremonya ng pagbibigay-galang sa buwan na nangyari sa Yangzhou noong gitnang dako ng dinastiyang Qing. Ipininta ito ng isang Westerner na nanirahan sa Tsina noong panahong iyon.
Sun God at Moon God.
Pagbibigay-galang sa Rabbit God, kaugalian sa Mid-Autumn Festival noong Republic of China era.
Sa araw ng Mid-Autumn Festival, karaniwa’y malinaw ang langit at malinis ang hangin. Noong sinaunang panahon, pinagmamasdan at nagbibigay-galang ang mga tao sa buwan, at unti-unti itong naging isang kaugalian.
Nagbebenta ng Rabbit God.
Panonood sa buwan sa Mid-Autumn Day.
Pananabik sa unti-unti pagsapit ng kabilugan ng buwan nang walang hanggan.
Paggawa ng mooncake.
Family feast sa Mid-Autumn Festival.
Mga libang sa Mid-Autumn Festival.
Mooncake vendor sa Beijing noong dating panahon.
Noong Setyembre 16, 2021, idinisplay ng mga bata sa isang kindergarten sa lunsod Fuyang, probinsyang Anhui ng Tsina, ang mooncake na kanilang ginawa.
Nagtitipun-tipon ang buong pamilya upang kumain sa araw ng Mid-Autumn Festival.
Salin: Lito
Pulido: Mac