Tsina sa Amerika at Australia: Dapat mabisang superbisahin ang mga pribadong kompanya sa seguridad

2021-09-22 16:32:04  CMG
Share with:

Hinimok ng Tsina ang Amerika at Australia na isagawa ang aktuwal na hakbangin para mabisang superbisahin ang mga pribadong kompanya sa military at seguridad.

 

Ipinahayag ito kamakailan ni Jiang Duan, Ministro ng Delegasyong Tsino sa Geneva, sa kanyang pagdalo sa Diyalogo ng Ika-48 Sesyon ng United Nations Security Council at Working Group sa Mercenarism.

Tsina sa Amerika at Australia: Dapat mabisang superbisahin ang mga pribadong kompanya sa seguridad_fororder_01jianduan

Ani Jiang, ikinabalisa ng Tsina ang kakulangan ng naturang mga kompanya ng Amerika at Australia sa transparency at pamamahala.

 

Sinabi niya na malubhang nakapinsala ang naturang mga kompanya sa karapatang pantao ng mga mamamayan at refugees ng ibang bansa, at hindi pa isinagawa ng pamahalaan ng Amerika at Australia ang mabisang hakbangin sa kinauukulang kompanya.

 

Nanawagan ang Tsina sa Amerika at Australia na igalang, pasulungin ang pangalagaan ang karapatang pantao, isagawa ang aktuwal na hakbangin para superbisahin ang aktibiad ng mga pribadong kompanya ng seguridad, para maiwasan  ang paglabag sa karapatang pantao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method