Mariing pagtutol, ipinahayag ng Tsina sa magkasanib na pahayag ng Amerika at Australia kaugnay ng South China Sea at iba pang isyu

2021-09-18 11:56:27  CMG
Share with:

Inihayag nitong Biyernes, Setyembre 17, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mariing kawalang kasiyahan at buong tatag na pagtutol sa nilalaman ng magkasanib na pahayag ng konsultasyong ministeryal ng Amerika at Australia kaugnay ng South China Sea at iba pang isyu.
 

Saad ni Zhao, nakikipagsabwatan ang Amerika sa Australia, at para sa sariling kapakanang heopolitikal, sinasadya nitong siraan ang panig Tsino, nakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, at sinusulsulan ang relasyong panrehiyon.
 

Aniya, dapat sundin ng Amerika at Australia ang agos ng panahon; igalang ang komong mithiin ng mga bansa sa rehiyon; itakwil ang lipas sa modang kaisipan ng Cold War, zero-sum game at heopolitika; tumpak na pakitunguhan ang pag-unlad ng Tsina; at itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina at panggugulo sa rehiyong Asya-Pasipiko.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method