Sa kanyang talumpati kahapon, Setyembre 21, 2021, sa pangkalahatang debate ng Ika-76 na Sesyon ng Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UN), binatikos ni Ebrahim Raisi, Pangulo ng Iran, ang Amerika sa pag-talikod nito sa kasunduang nuklear ng Iran, at pagsasagawa ng sangsyon sa Iran sa panahong dumaranas ang Iran ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Binigyan-diin ni Raisi na ito ay lubos na nagpakita ng hegemonismo ng Amerika. Hindi na magtitiwala ang Iran sa anumang pangako ng pamahalaang Amerikano sa hinaharap.
Bukod dito, binatikos din ni Raisi ang pakiki-alam ng Amerika sa mga suliranin sa rehiyong Gitnang Silangan.
Salin:Sarah
Pulido:Mac